Sen. Gatchalian: Malaking hamon para sa Kamara ang ipasa ang Anti-Political Dynasty Bill

Para kay Senador Win Gatchalian, malaking hamon para sa Mababang Kapulungan ang ipasa ang Anti-Political Dynasty Bill.

Paliwanag ni Gatchalian, laganap ang political dynasty o magkakamag-anak na politiko sa lokal na pamahalaan.

Dahil dito ay duda si Gatchalian na boboto ang mga kongresista pabor sa isang panukala na bubura sa kanilang pamilya sa larangan ng politika sa local level.

Maging si Senador Gatchalian ay may mga ka-pamilya din sa Kamara at sa lokal na pamahalaan ng Valenzuela.

Pero diin ni Gatchalian, handa siya at miyembro ng kanyang pamilya na sumunod sa itatakda ng maipapasang Anti-Political Dynasty Bill dahil para ito sa kabutihan ng bansa. | via Jojo Ismael