Sen Gatchalian, isinusulong ang pagtatag ng community-based monitoring system laban sa kahirapan

Isinusulong ngayon ni Senator Sherwin Gatchalian na gawing institusiyon ang community-based monitoring system laban sa kahirapan.

Ayon kay Gatchalian, mapaghuhusay ng Senate Bill no. 2184 o “Community-Based Monitoring System Act,” ang pag-aanalisa kung paano mas makakatulong sa mga mahihirap na sektor. 

Makakatulong aniya ang panukalang batas, na masugpo ang kahirapan sa pamamagitan ng tamang poverty alleviation program.

Sa ilalim ng panukala, dapat na magkaroon ng statistician ang bawat lungsod at munisipyo, na ang trabaho ay mangolekta ng datos ng mga mahihirap na indibidwal o pamilya sa kanilang nasasakupan.

Aniya, ito ang magiging batayan ng national at lokal na pamahalaan kung papaano matutulungan ang mga mahihirap na pamilya na walang nasasayang na resources ng gobyerno. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes