Sen. Gatchalian, igniiit na kailangan ng mga reporma sa sistema ng edukasyon sa bansa

Sa kabila ng apology ng World Bank tungkol sa nauna nilang pahayag tungkol sa estado ng edukasyon sa Pilipinas, sinabi ni Senate Committee on Basic Education Chairman Senador Sherwin Gatchalian nananatili pa rin ang katotohanan na mayroon tayong education crisis at kailangan itong solusyunan sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Gatchalian, maraming punto at rekomendasyon ang World Bank report na maaaring magamit ng ating bansa sa pagbuo ng mga solusyon para maisaayos ang ating learner outcome.

Ayon kay Gatchalian, maraming punto at rekomendasyon ang World Bank report na maaaring magamit ng ating bansa sa pagbuo ng mga solusyon para maisaayos ang ating learner outcome.

Personal na aniyang nabasa ng senador ang naturang report at ikinatuwa niya ang patas na pag aanalisa nito sa kung anong aspeto sa ating education system ang kailangan pang pagtuunan ng pansin.

Binigyang diin ng senador na nitong 2020 pa lang ay una nang dineklara ng Senate Committee on Basic Education na may education crisis sa bansa.

Ito kasunod na rin ng mababang performance ng Pilipinas sa Programme for International Student Assessment (PISA), Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) at Southeast Asia Primary Learning Metrics (SEA -PLM).

Una na rin aniyang nagrekomenda ang komite sa Senado ng mga hakbang para maisaayos ang sistema ng edukasyon gaya ng reporma sa teacher education.

Giit ng mambabatas, kailangan natin ng solusyon sa problemang ito sa lalong madaling panahon para na rin sa kapakanan ating mga mag-aaral.