Sen. Bong Go, muling hinikayat ang mga economic frontliners na magpapabakuna

Tuloy sa kaniyang pagsisikap si Senator Christopher “Bong” Go na tulungan na makabangon ang iba’t ibang sektor mula sa epekto ng global pandemic. 

Ito’y matapos hatiran ng kaniyang team ang mga mangingisda at magsasaka sa Dapa at San Isidro, Siargao Island, Surigao del Norte.

Ang outreach team ng senador ay nagsagawa ng hiwalay na pamamahagi ng ayuda sa San Isidro Elementary School sa San Isidro, at Dapa Municipal Gym ng bayan ng Dapa. 

Nagbigay si Sen. Go ng pares ng sapatos, bisekleta, tablet sa mga nag-aaral ng blended learning at mga health kit.

Sa kaniyang mensahe, sinabi ni Go, ang target ng pamahalaan ay makamtan ngayong taong ito ang population protection at herd immunity para naman unti-unti nang makabalik sa normal na pamumuhay ang mga Pilipino.

Kaniyang tiniyak na ginagawa lahat ng gobyerno ang paraan upang makakuha ng sapat na suplay ng bakuna upang agad itong maibigay sa economic frontliners tulad ng mga mangingisda at magsasaka. 

Hinikayat niya ang mga ito na agad magpabakuna sakaling dumating na ang dagdag na suplay na binili ng pamahalaan. 

Karagdagang Tulong mula sa Gobyerno

Nagpaabot din ng tulong ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na nagbigay ng financial assistance habang ang Department of Agriculture (DA) naman ay namahagi ng mga vegetable seeds.

Ang mga kinatawan ng Department of Trade and Industry (DTI) at Department of Labor and Employment (DOLE) ay nagsagawa ng on-site assessment sa mga kwalipikadong indibidwal para sa livelihood programs.

Naglaan na rin ng scholarships grants at livelihood trainings ang Technical Education and Skills Development Authority (TESDA). Sa pamamagitan naman ng Aid and Humanitarian Operations Nationwide (AHON) Convergence Program, sa pakikipagtulungan ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) ni Secretary Martin Andanar ay nagbigay ng dagdag na suporta sa mga benepisyaryo. 

Malasakit Centers

Bilang Chairman ng Senate Committee on Health, tiniyak ni Go na mapagkakalooban ng libreng medical assistance ang mga residente ng Siargao sa tulong ng Malasakit Centers sa naturang rehiyon.

Unang inilunsad ang Malasakit Center noong 2018 sa nasabing probinsya na pinagtulungan ng DSWD, Department of Health (DOH), Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), para mabigyan ng libreng pagpapagamot ang mga mahihirap na Pilipino. 

Para mabilis na makabangon ang mga economic frontliners sa Siargao, popondohan ni Sen. Go ang iba’t ibang proyekto sa lalawigan tulad ng construction ng flood control embankment sa Dapa, pagpapalawak ng San Isidro Bridge sa San Isidro at maraming iba pa.

Si Sen. Go rin ang sponsored sa Senado ng Republic Act No. 11500 na layuning mapataas ang kalidad ng Siargao Island Medical Center kung saan naging 100 bed capacity ito mula sa dating 50 bed capacity.