Sen. Bato, nanghinayang sa pagbibitiw sa pwesto ni PMA Chief Evangelista

Nagpahayag ng panghihinayang si Senador Ronald ‘Bato’ Dela Rosa sa pagbibitiw sa pwesto ni Lt. Gen. Ronnie Evangelista bilang superintendent ng Philippine Military Academy (PMA).

Ayon kay Dela Rosa, isang magaling na opsiyal na naman ang nasayang ang karera dahil sa isang hindi inaasahang insidente.

JUST IN | Sen. Bato Dela Rosa, nagmosyon na isapubliko ang pangalan ng mga ninja cops na isiniwalat sa executive session ng mga senador noong nakaraang linggo. | via Nimfa Asuncion

Posted by Radyo Pilipinas on Tuesday, 24 September 2019

Mag-mistah o magkaklase sina Dela Rosa at Evangelista na kapwa graduate ng PMA ‘Sinagtala’ class of 1986.

Sinabi ng senador, na kilalang-kilala niya ang nagbitiw na PMA chief bilang isang napakagaling na opisyal.

Sa ngayon, hindi pa masabi ni Dela Rosa kung mayroon ngang pananagutan si Evangelista sa pagkamatay ni Cadet 4th class Darwin Dormitorio.

Hindi aniya patas na husgahan niyang mayroong naging pagkukulang o negligence si Evangelista sa insidente, dahil alam niyang may ginawa rin itong hakbang para maiwasan ang hazing.

Kanina, inanunsyo ni Evangelista ang kanyang resignation, kasama nitong nag-resign sina Commandant of the Corps of Cadets Brig. Gen Bartolome Vicente Bacarro.