Sen. Angara, ipinanukala ang paglikha ng Philippine High School for Sports

Isinusulong ni Senator Sonny Angara ang paglikha ng Philippine High School for Sports na magsisilbing breeding ground o pagmumulan ng ating world-class Filipino athletes at magagaling na manlalaro sa hinaharap.

Ayon kay Angara na Vice Chairman ng Senate Committee on Education at ang Committee on Sports, liban sa  pag-uuwi ng karangalan para sa kanilang rehiyon, ang Palarong Pambansa ay ang pinakamalaking lugar para sa mga kabataang atleta lalo na ang mga galing sa mga probinsya, para maipakita ang kani-kanilang kakayahan sa pag-asang makapasok  sa National Sports Associations o kaya sa mga pangunahing unibersidad at kolehiyo.

Diin ni Angara na higit na mapapalawak ang oportunidad na ito sa mga kabataan  sa pamamagitan ng Philippine High School for Sports.

Sa Senate Bill No. 1332, ipinanukala ang paglikha at pagtatatag ng Philippine High School for Sports na may de-kalidad na academic curriculum kasabay ng pagbibigay ng kinakailangang atensyon at suporta para sa pagdi-develop ng athletic skills ng mga estudyante.

Ani Angara, ang  Philippine High School for Sports ay mag-aalok ng  secondary course na nakatuon sa mga aralin na kaugnay sa physical education at sports development upang maihanda ang mga mag-aaral para sa karera na may kaugnayan sa sports. | via Jojo Ismael