Seguridad sa area ng Malacañang, hinigpitan bilang bahagi ng pre-emptive measure

Mahigpit ang seguridad na ipinatutupad sa Malacañang complex.

Bantay sarado ang magkabilang dulo ng JP Laurel St., na ang bawat pumapasok ay masusing sinisiyasat kabilang na ang ilang miyembro ng Malacañang Press Corps.

Ayon sa ilang miyembro ng Presidential Security Group na tumangging magpabanggit ng pangalan, bahagi lamang ito ng seguridad na ipinatutupad kaugnay ng pagdiriwang ng Labor day ngayong araw.

Preventive measure lang aniya ang ginagawang paghihigpit, lalo’t ilang bloke lamang ang layo ng Palasyo sa Mendiola, kung saan, isa ito sa sentro ng mga isinasagawang demonstrasyon ng iba’t-ibang militanteng grupo.

Bukod sa PSG, nakaposte din ang ilang kagawad ng Philippine National Police (PNP) sa mga entrada at labasan ng Malacañang complex. | via Alvin Baltazar