Secretary Roque, ayaw patakbuhin ni Pangulong Duterte

Sa gitna ng mga naglulutangang mga pangalan na posibleng kumandidato partikular sa pagka-senador sa susunod na taon, isang matunog na pangalang posibleng tumakbo ang pinigilan ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag na lang sumabak sa mid-term election.

Ito ay si Presidential Spokesperson Harry Roque.

Sa talumpati kagabi ng Pangulo sa Philippine Military Academy Alumni Association Incorporated (PMAAAI), sinabi ng Pangulo na bibigyan na lang niya ng ibang trabaho si Roque.

Pahayag ng Presidente, stand-by na lang muna si Roque para sa posibleng bagong trabaho nito sa halip na mag-senador.

Ang naging rason ng Pangulo sa kung bakit mas maiging huwang nalang sumabak sa pagtakbo si Roque, ay dahil ayaw daw ng mga sundalo sa kanya pati na rin kay Calida.

Una nang sinabi ni Roque, na kanyang kakausapin ang Chief Executive ngayong linggong ito tungkol sa kanyang posibleng pagtakbo. | ulat ni Alvin Baltazar