Sec. Roque, walang ideya kung may koneksiyon ang pagkakasibak ng Pangulo kay Usec. Maglunsod sa posibleng kinalaman nito sa Red October

Aminado si Presidential Spokesperson Harry Roque na wala siyang ideya kung may kinalaman sa Red October ang ginawang pagsibak ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Joel Maglunsod bilang Undersecretary ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Ayon kay Roque, tanging si Pangulong Duterte lamang ang makapagsasabi kung bahagi si Maglunsod ng ouster plot dahilan upang ito’y alisin sa DOLE.

Maliban aniya sa nabanggit ng Pangulo sa kanyang talumpati kahapon na pinatalsik ang dating Usec. ng DOLE dahil sa strike, wala nang nalalaman si Roque. Si Maglunsod ay kilala ring makakaliwa.

Ang pagkakaalis sa dating Usec. ng Labor Department ay binanggit kahapon ni Pangulong Duterte sa speech nito sa Camp Juan Ponce Sumuroy, Catarman, Samar. | ulat ni Alvin Baltazar