Sec. Panelo, tiniyak ang presensiya ng Pangulong Duterte sa lahat ng ASEAN events ngayong araw

Maaga pa lang ay nasa venue na si  Pangulong Rodrigo Duterte para sa huling araw ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit. Present ang Pangulo para sa unang naka-schedule na event niya ngayong umaga, na ASEAN-India Informal Breakfast Summit.

Sinundan ito ng pagdalo sa 6th ASEAN- US summit at pagkatapos nito ay tumungo na ang Presidente sa  21st ASEAN Plus Three Summit, 13th East Asia Summit Lunch Retreat at Plenary.

Paniniyak ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo, dadaluhan ng Presidente ang lahat ng kanyang aktibidad ngayong araw na ito.

Nakapagpahinga na rin daw ang Pangulo matapos na tatlong oras lang ang tulog nito kamakalawa ng gabi, dahilan para hindi makasipot sa ilang aktibidad niya kahapon.

Mamayang alas-4:30 gaganapin ang closing ceremony ng 33rd ASEAN summit at ang turn over ng ASEAN chairmanship sa bansang Thailand. | ulat ni Alvin Baltazar