Sec. Lorenzana, susuportahan ang Pangulong Duterte sa pag-invoke ng arbitral ruling sa WPS

DND Sec. Lorenzana on arbitral ruling – WPS

Pahayag ni SND Delfin Lorenzana hinggil sa pag-invoke ng UNCLOS arbitral ruling sa West Philippine Sea (WPS). | via Kathleen Jean Forbes www.radyopilipinas.ph

Posted by Radyo Pilipinas on Monday, August 26, 2019

Ipinauubaya na ni Department of National Defense (DND) Secretary Delfin Lorenzana sa Pangulong Rodrigo Duterte kung i-invoke na nito ang arbitral ruling pabor sa Pilipinas sa kanyang nalalapit na pagbisita sa China.

Ani Lorenzana, nasa desisyon ito ng Pangulo, ngunit kapwa sila naniniwala ng Department of Foreign Affairs (DFA) na dapat na itong i-invoke ng Pangulo.

Kasunod na rin ito ng pagkakadiskubre ng pagdaan ng ilang barkong pagdigma ng China sa Sibutu Strait nang hindi nagpapaalam.

Ani Lorenzana bagamat kinikilala ng bansa ang international waterway at freedom of navigation, kortisiya na lang aniya ang pagpapaalam ng mga bansang dumadaan sa ating katubigan, tulad ng US, New Zealand, Australia at Russia.

Pinatitiyak naman ni Congressman Rufus Rodriguez sa DND na hihigpitan at palakasin pa ang pagpatrolya ng pwersa ng pamahalaan sa katubigan ng bansa.

Pero aminado si Lorenzana na kulang pa rin ang kagamitan ng pwersa ng bansa para mabantayan ang malawak na territorial waters ng Pilipinas.

Dahil naman dito, siniguro ni House Speaker Alan Peter Cayetano ang pagpasa ng proposed budget ng DND.

Suporta ito ng pamahalaan sa mga itinuturing ding bagong bayani ng bayan.

Kabuuang P258-billion pesos ang hinihinging pondo ng DND para sa susunod na taon.  Nasa  P189-billion dito ay para sa regular funds ng departamento habang ang nasa P69.7-million ay para sa pension fund ng mga beterano at retired uniformed personnel.