Sec. Lorenzana, hinamon ang mga makakaliwang grupo na kundenahin ang atrocities ng CPP-NPA


Bumuwelta si Defense Secretary Delfin Lorenzana laban sa pag-alma ng ilang makakaliwang mambabatas sa umano’y ginagawang red tagging ng pamahalaan sa kanila.

Sa budget hearing ng kagawaran sa Kamara, kinuwestyon ni ACT Teachers Partylist Representative Franz Castro ang pagdawit sa kanila bilang mga teroristang NPA dahil lamang sa kanilang oposisyon sa pamahalaan.

Ganito rin ang sentimyento ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate.  Panawagan nito sa Department of National Defense (DND), itigil na ang red tagging sa kanilang hanay.

Pero hamon ni Lorenzana, itigil na ng leftist group ang kanilang pananahimik at kundenahin ang kasamaan ng NPA.