Seawall sa coastal road sa Davao City, nasira ng malakas na alon

Nasira ang ilang bahagi ng seawall sa ginagawang coastal road sa Salakot, Barangay Talomo, Davao City dahil sa malalakas na hampas ng alon.

Kaugnay nito, kinwestiyon ng Department of Public Works and Highways (DPWH) XI ang contractor na gumawa sa naturang istruktura kung sinunod ba nito ang standard sa paggawa ng seawall.

Magsasagawa rin umano ng imbestigasyon ang DPWH ukol dito at nangakong magpapatupad ng temporary measure sa nasirang seawall ng ginagawang coastal road sa Talomo Davao City.

Sa kasalukuyan patuloy pa rin ang malalakas na alon sa Davao Gulf bunsod ng moonsoon waves.