SC Associate Justice Samuel Martires, pinangalanan ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang bagong Ombudsman

Mayroon nang itinalagang bagong Ombudsman ang Pangulong Rodrigo Duterte kapalit ng nagretiro ngayong si Ombudsman Conchita Carpio Morales.

Sa kanyang talumpati sa 69th Araw ng Ipil sa Zamboanga, Sibugay, sinabi ng Pangulo na pinirmahan na niya ang appointment ni Supreme Court (SC) Associate Justice Samuel Martires bilang bagong Ombudsman.

Dahil sa pagkaka-appoint sa kanya bilang Ombudsman, kakailanganin ni Martires na mag-early retirement bilang isang associate justice ng Korte Suprema kaya’t may mababakante nang pwesto sa SC.

Magsisilbi naman si Martires bilang Ombudsman sa loob ng pitong taon.

Magka-brod sina Pangulong Duterte at Martires sa Lex Talionis fraternity at kapwa nakapagtapos ng abugasya sa San Beda College.  | ulat ni Nimfa Mae Asuncion