Sarah G., balik social media na; at concert sa bansa ni Ed Sheeran, dinumog ng Pinoy fans

Halos isang linggo nang inanunsyo ang “time-off” niya mula sa social media, nagbabalik sa Twitter world ang Popstar Princess na si Sarah Geronimo.

Paglilinaw ng singer, kinailangan umano niya itong gawin para matutukan ang pinaghahandaang konsiyerto.

Kaya naman ngayong refreshed na si Sarah, tiyak na bigay-todong performance ang aasahang muli ng kaniyang mga fans sa 15th anniversary concert nito sa darating na April 14.

Sa ibang balita, dinumog naman ng Pinoy fans ang concert sa bansa kahapon ng English singer and songwriter na si Ed Sheeran.

Sa kaniyang Instagram post, ibinahagi pa ng magaling na singer ang litrato kasama ang libo-libong audience na sumaksi sa kaniyang Manila performance.

Ito na ang ikalawang beses na nag-perform sa bansa si Sheeran. Nobyembre pa sana noong nakaraang taon ito ginanap pero kinailangang kanselahin at iurong ngayong buwan dahil sa kinasangkutang aksidente nito sa pagbi-bisikleta. | via Eunice Garcia-Langcauon