SAP Go, muling pinabulaanan ang ibat-ibang ispekulasyon tungkol sa kalusugan ng Pangulong Duterte

Kinontra ng Malacañang ang mga ispekulasyon kaugnay ng hindi pagpapakita kahapon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isa nitong aktibidad sa Palasyo.

Tugon ni Special Assistant to the President Secretary Bong Go na may private meeting kahapon ang Pangulo at confidential ito kaya’t walang inilabas na impormasyon patungkol  dito.

Pagbibigay-diin ni SAP Go, walang sakit ang Pangulo at makikita siya ngayon dahil sa mga nakalinyang aktibidad sa Malacañang.

Walang katotohanan na isinugod ito sa hospital, gaya ng mga kumalat sa social media.

Pagtiyak ng kalihim, walang dapat na ipangamba ang publiko lalo na ang taga-suporta ng Punong Ehekutibo gayung malusog ito at mas malakas kaysa sa kanyang mga kritiko.  | ulat ni Alvin Baltazar