SAP Go, ikinatuwa ang pagiging numero uno sa survey ng mananalong senador na ginawa sa Davao pero 50/50 pa din kung tatakbo sa Senado

Inspirasyon para kay Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang pangunguna nito sa senatorial survey na ginawa ng University of Mindanao’s Institute of Popular Opinion.

Ayon kay SAP Go, rason ito para mas pag-igihan niya ang kanyang trabaho at pagsisilbi sa bayan.

Gayunpaman, hindi pa rin desidido ang kalihim kung tuluyan na ngang sasabak ito sa pulitika sa pamamagitan ng pagtakbo sa Senado sa susunod na taon.

Ito ay sa kabila na rin ng pagkakasama nito sa senatorial lineup ng Hugpong ng Pagbabago ni Davao City Mayor Sarah Duterte-Carpio.

Base sa survey ng UM-IPO, 76% ang nakuha ni Go na nagbigay sa kanya ng unang puwesto kasunod ng ibang kandidato na sina Sen. Grace Poe, Taguig Rep. Pia Cayetano, Sen. Sonny Angara, at Sen. Aquilino Pimentel III.

Ang Davao city na kabilang sa Davao region ay mayroong voting population na 4.9 million. | ulat ni Alvin Baltazar

Photo courtesy: SAP Bong Go FB page