SAP Go, iginiit ang sinseridad ng Pangulong Duterte sa pakikipag-usap sa makakaliwang grupo

Hindi pinalampas ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang naging patutsada ni Communist Party of the Philippines (CPP) Founding Chairman Jose Maria Sison na hindi matatapos ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang termino dahil mapapatalsik ito sa puwesto.

Buwelta ni Go, sanay maisip ng CPP na walang ibang pangulong nagsumikap at totoong sinsero na makipag-usap sa kanila sa ngalan ng kapayapaan.

Binigyang-diin ni SAP Go na malaki ang tiwalang binigay ng Pangulong Duterte sa makakaliwang grupo at dapat sana’y gayundin ang ginagawa ng kabilang kampo.

Nagbabala din si SAP Go sa CPP-NPA-NDF na kalimutan na ang peace talks na inaasam kung hindi rin lang matatapos ng Pangulong Duterte ang kanyang termino.

Una nang nilinaw ng MalacaƱang na humiling lamang ng konting panahon si Pangulong Duterte para pag-aralan ang mga nakatakdang pirmahang kasunduan ng government peace at CPP-NDF panels gayundin ang mga nakaraang pinasok na kasunduan ng mga nagdaang administrasyon. | ulat ni Alvin Baltazar