SAP Go, hinimok ang mga kabataan sa Taytay Rizal na iwasan ang iligal na droga at sa halip ay maglaro na lang ng basketball

Hinimok ni Special Assistant to the President Christopher Bong Go ang mga kabataan sa Taytay Rizal na lumayo sa iligal na droga.

Ang apela ni Go ay ginawa kasabay ng pagbubukas ng liga ng basketball para sa mga kabataan sa Barangay Dolores.

Aniya, sa halip na pasukin ang paggamit ng iligal na droga ay mas mabuti na maglaro na lamang ng basketball.

Ipinarating naman nito sa pulisya ang buong suporta ni Pangulong Rodrigo Duterte kaya dinoble ang kanilang sweldo kaya’t walang dahilan para hindi sila magsilbi nang maayos.

Binigyang diin pa ng kalihim na sa ilalim ng Duterte administration bibigyang prayoridad nito ang 3-point agenda ng pamahalaan: ang anti-illegal drugs, anti-criminality at anti-corruption. | ulat ni Rey Ferrer