SAP Bong Go pinangunahan ang pagbubukas ng Malasakit Center sa pinakamalaking ospital ng pamahalaan sa Albay

Mismo si Special Assistant to the President Christopher ‘Bong Go’ ang nanguna sa inauguration and blessing ng kauna-unahang Malasakit Center sa Albay, sa Bicol Regional Training and Teaching Hospital sa Lungsod ng Legazpi.

Kasama ng kalihim si Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) Director Sandra Cam na isang Bicolana.

Sinabi ng kalihim na ito ang nais ng Pangulong Rodrigo Duterte na mabigyang access ang mga taga-Albay ng isang one-stop-shop para sa serbisyo medikal. 

Sa Malasakit Center matatagpuan ang mga ahensiya ng gobyernong kailangan ng mga pamilyang may mga pasyente, gaya ng PCSO, Department of Health at iba.

Matapos ang okasyon, pinangunahan din ng kalihim ang groundbreaking ceremony ng Disaster Risk Reduction Center sa Bicol University, dumating sa okasyon si Governor Al Francis Bichara.  | ulat ni Nancy Mediavillo