SAP Bong Go, inimbitahan ang kanyang mga kritiko sa kanyang mga aktibidad 

Inimbitahan ni Special Assistant to the President Bong Go ang mga kritiko niya na makiisa sa kanyang ginagawang pagtulong sa mga biktima ng kalamidad.

Ito ang naging tugon ni Go sa mga patuloy na kumukwestyon sa ginagawa niyang aktibidad.

Ayon kay Go, sa halip na nagsasayang ang mga kritiko nya ng oras kakasira sa kanyang ginagawa ay mas mabuting makisama sila sa ginagawa nilang pagtulong.

Paliwanag pa nito matagal na nilang ginagawa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang tumulong sa mga biktima ng kalamidad kahit noong nasa Davao pa sila.

Ginawa ni SAP Go ang pahayag sa kanyang pagdalaw at pagpapaabot ng tulong sa dalawang pamilya na nasunugan sa Brgy. Pinagbuhatan, Pasig City kung saan tatlong batang magkakapatid ang nasawi. | via Lorenz Tanjoco