SAP Bong Go, hiniling sa mga residente ng Malolos, Bulacan na suportahan ang kampanya laban sa illegal drugs, krimen at korapsyon ng administrasyon

Sa pagkakataong ito, hiningi ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go ang tulong at kooperasyon ng mga taga Malolos, Bulacan para suportahan ang mga programa ng pamahalaan.

Partikular na ang 3-point agenda ni Pangulong Rodrigo Duterte na paglaban sa illegal drugs, pangalawa ang korapsyon at kriminalidad.

Aniya ang illegal drugs umano ang ugat ng lahat ng krimen kaya’t dapat lang masugpo ito.

Hiningi din niya ang suporta ng mga pulis na maging masigasig at tapat sa kanilang tungkulin.

Ito daw ang nais ni Pangulong Duterte kaya itinaas ang kanilang mga sahod kasama ang militar.

Sa ginaganap na “Let’s Go Bong Go” event sa Malolos Sports Center, 50 piling kabataan ang binigyan ng rubber shoes ni Sec. Go at school supplies naman sa iba pang kabataang mag-aaral.

Bago umpisahan ang exhibition games ng mga PBA legends at team Aguila ng Malolos ay sinimulan muna ito ng 3 point shootout ni Secretary Bong at nagawa naman ng kalihim na maipasok ang 11  puntos. | ulat ni Rey Ferrer