SAP Bong Go, handang sumailalim sa lifestyle check

Welcome ayon kay Special Assistant to the President Secretary Bong Go ang lifestyle check, sakali’t igiit pa na maging bahagi ito sa inihihirit na imbestigasyon ni Sen. Antonio Trillanes na nais siyasatin ang umano’y conflict of interest ng kanyang pamilya.

Pagbibigay diin ni Go, hindi pa siya ipinapanganak ay may mga negosyo na ang kanilang pamilya na hindi naman masasabing mahirap, pero hindi din naman maituturing na mayaman.

Walang problema ayon kay SAP Go kung busisiin man ang kanyang assets gayung wala naman siyang itinatago.

Una nang sinabi ng SAP Go na kaya niyang patunayang mali ang bintang sa kanya  at kahit kailan o anumang oras ay available siyang humarap sa anumang pagsisiyasat. | ulat ni Alvin Baltazar