SAP Bong Go at Floyd Mayweather, nag-face-to-face

Nagkaharap si Special Assistant to the President Secretary (SAP) Christopher Lawrence “Bong” Go at si dating five-time world boxing champion Floyd Mayweather.

Naganap ang paghaharap nang magtungo ang sikat na boksingero sa Davao City kaninang alas-3 ng madaling araw.

Makikita sa Facebook account ni Go ang fisticuffs pictorial nila na kung saan, game na game naman ang world boxing champion.

Kita rin sa larawan ang pag-uusap at kamayan ng dalawang personalidad at siyempre pa, ang signature selfie move ni SAP Go kasama ang retiradong boksingero.

Ayon sa SAP Chief, isa ang Pearl Farm beach resort sa itinerary ni Mayweather at gusto aniya nitong makaharap si Pangulong Rodrigo Duterte. | via Alvin Baltazar