San Juan LGU, target na iakyat sa 2,000-3,000 ang daily COVID vaccination

Tinatarget ng Pamahalaang Lungsod ng San Juan na maiangat pa sa 2,000 hanggang 3,000 ang daily vaccination nito, sa oras na dumating ang inaasahan nitong bulto ng mga bakuna.

Ayon kay Mayor Francis Zamora, ngayong nadagdagan na ng Pfizer vaccines ang suplay ng lungsod, sisikapin na umano ng local government na magbakuna ng 1,500 recipients kada araw.

Madadagdagan pa umano ito kapag dumating na rin ang inorder na AstraZeneca vaccines.

Handa rin ang lokal ang pamahalaan na magdagdag ng vaccination sites sa mga susunod na buwan, upang mapabilis ang pagkamit ng herd immunity sa lungsod.

Sa ngayon, aabot na sa 13,085 na mga residente ang nabakunahan kontra COVID-19.