San Juan City, magdadagdag pa ng vaccination site para sa mga nasa A4 priority group

Magbubukas pa ng panibagong vaccination site ang pamahalaang lungsod ng San Juan sa Greenhills Shopping Center.

Ayon kay San Juan Mayor Francis Zamora, ito’y bilang paghahanda sa inoculation ng mga nasa listahan ng A4 priority group.

Sinabi ng alkalde na kasama na rin dito ang mga hindi residente ng San Juan pero nagtatrabaho sa lungsod.

Napili ng local government unit (LGU) na gamitin bilang vaccination site ang Theatre Mall Cinemas 1 and 2 sa Greenhills Shopping Center dahil ito ang pinaka-sentrong commercial at business district ng lungsod.

Target ng LGU na makapagsimula agad ng1,000 kataong mabakunahan kada araw hanggang maitaas unti-unti ang bilang.