San Francisco (Anao-aon), Surigao del Norte, dalawang beses niyanig ng lindol – Phivolcs

Sa ikalawang beses na pagyanig, asahan na raw na magkakaroon na ng mga aftershock matapos ang magnitude 5.1 earthquake na nangyari kaninang alas 12:24 ng madaling araw sa bahagi ng Surigao Del Norte.

Base sa ulat ng Philippine Institute of Volcanology and Siesmology o Phivolcs, natunton ang sentro ng lindol isang kilometro mula sa kanlurang bahagi ng San Francisco (Anao-aon) Surigao Del Norte.

Tectonic ang pinagmulan nito at may lalim na 17 kilometro.

Naitala ng Phivolcs ang intensity 5 sa Surigao City, intensity 4 sa Pintuyan, Southern Leyte, intensity 2 sa Palompon, Leyte at intensity 2 sa Palo, Leyte.

Una nang niyanig ng magnitude 4.7 earthquake ang nabanggit na lugar dakong alas 3:53 ng hapon kahapon.

Ang pagyanig ay naramdaman sa Surigao City, San Francisco, Surigao Del Norte; Tagana-an at Mainit, Surigao Del Norte; San Francisco at San Ricardo, Southern Leyte; Bacuag, Surigao Del Norte; Butuan City, Caver, Surigao Del Norte.

Dagdag pa ng Phivolcs, sa magkasunod na pagyanig wala namang naitalang pinsala sa tao, mga aria-arian at imprastruktura. | ulat ni Rey Ferrer