Sa huling pagkakataon, labor groups umaasa pa ring pipirmahan ni
 Pangulong Duterte ang EO na papabor sa mga manggagawa

Hanggang sa huling sandali kampante pa rin ang Associated Labor Unions-Trade Union Congress of the Philippines  (ALU-TUCP), na pipirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang executive order ng labor group, na tuluyang tutuldok sa endo o kontraktuwalisasyon sa bansa.

Ayon kay ALU-TUCP Spokesperson Alan Tanjusay, kapag ito ang ginawa ng Pangulo, ituturing siyang bagong bayani ng manggagawang Pilipino.

Ito ang pahayag ng ALU-TUCP, kasunod ng make-or-break meeting sa pagitan ni Pangulong Duterte at Labor Secretary Silvestre Bello sa usapin ng endo o kontraktuwalisasyon.

Pero paliwanag ni Tanjusay, wala nang maaasahan pa sa Pangulo sa sandaling ang pirmahan nitong EO ay ang drafted ng mga negosyante at employers.

Sa paggunita ng Labor Day ngayong araw, ipapaalala ng iba’t ibang labor groups kay Pangulong Duterte ang kanyang campaign promise noon, na tapusin ang endo na anila’y nagpapahirap sa bawat manggagawang Pilipino. | via Rey Ferrer