Russian diesel submarine, ipinakita sa bumibisitang Philippine Navy delegation sa Vladivostok

Ipinakita ng Russian Navy ang kanilang diesel submarine sa Philippine Navy Delagation na bumibista sa Vladivostok, Russia.

Ang Russian diesel submarine na Komsomolsk-Na-Amure 877 ay ipinosisyon sa tabi ng pinagdadaungan ng BRP Tarlac (LD601), na nasa Vladivostok para sa makasaysayang kaunana-unahang pagbisita ng isang barkong pandigma ng Pilipinas sa naturang bansa.

Sa paanyaya ng Russian Pacific Fleet, naglibot ng dalawang oras ang 24 na miyembro ng Philippine Navy Naval Task Force 87 sa pangunguna ni Capt. Florante N. Gagua sa naturang submarine kahapon ng hapon.

Ang commanding officer ng submarine na si LtCdr Aleksey Lanskikh, ang nagbigay ng briefing sa Philippine delegation, bago sila ipinasyal sa iba’t-ibang bahagi ng submarine na nagtapos sa Officers’ Dining area o “the wardroom”, kung saan nagkaroon ng konting salu-salo.

Magugunitang unang inihayag ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang plano ng Pilipinas na bumili ng dalawang submarines, kung saan kabilang sa mga pinagpipilian ay ang Russian diesel submarines. | ulat ni Leo Sarne