RP-US Kamandag Exercises, pormal nang nagtapos 

Pormal nang nagtapos kahapon ang Kaagapay ng Mandirigma sa dagat (Kamandag) bilateral exercise sa pagitan ng Pilipinas at Estados Unidos na tumagal ng mahigit isang linggo.

Lumahok sa naturang pagsasanay ang 1,000 tropang Amerikano, 350 sundalong Pilipino at 100 sundalong Hapon.

Ang ehersisyo ay kinatampukan ng boat raid sa Ternate Cavite, live fire exercises sa Crow Valley, Tarlac at Amphibious landing sa Zambales.

Ang pagsasanay ay sumentro sa interoperaibility exercises sa counter terrorism at Humanitarian Assistance and Disaster response.

Ito rin ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok ang Japan sa ehersisyo bilang observer.

Ayon kay Defense Secretary Delfin Lorenzana, pinahihintulutan ng Visiting Forces Agreement na makilahok ang iba’t-ibang mga bansa sa military exercises sa Pilipinas at maganda rin kung makakalahok pa ang ibang mga Southeast Asian countries sa mga susunod na pagkakataon. | ulat ni Leo Sarne

Photo courtesy: Eunice Samonte – PTV