Road clearing sa QC, tuloy pa rin kahit nag-uuulan sa QC

Sa kabila ng maulang panahon, natuloy pa rin ang road clearing operations sa Quezon City.

Pinangunahan ng Transportation and Traffic Management Task Force ang clearing operation sa bahagi ng Road 8, kung saan marami ang nasumpungang illegal terminal ng mga tricycle at jeepney.

Pinuntahan din ang bahagi ng Mindanao Avenue at Visayas Avenue na kinakitaan ng maraming nakaparkeng sasakyan sa mga bangketa.

Patuloy namang pinapaalalahanan ang mga motorista o mga may sasakyan na huwag maging pasaway sa lansangan, magpark sa tamang lugar at makiisa sa isinasagawang pagsasaayos upang hindi mahila ang sasakyan o ma-ticketan.