Road clearing operations, magiging tuloy-tuloy na programa na; Panibagong validation, itinakda sa December — DILG

Isa nang continous program ng gobyerno at Department of the Interior and Local Givernment (DILG) ang paglilinis sa mga national road sa buong bansa.

Dahil dito magkakaroon na ng quarterly validation sa road clearing efforts ng lahat ng Local Government Units (LGUs) simula sa Disyembre.

Ayon kay DILG Undersecretary Jonathan Malaya maging hamon na ngayon sa mga LGUs na panatilihin ang kanilang nakamit sa buong taon.

May pagkakaton na rin ang mga LGUs na nasa medium at low compliance category para mapahusay pa ang kanilang performance.

Kaugnay nito, maglalabas uli ng panibagong
Memorandum Circular ang DILG sa lahat LGUs sa pagpapatuloy ng programa at quarterly validation.