Rigodon sa PNP, sisimulan sa Hunyo

Magkakaroon ng rigodon sa liderato ng Philippine National Police simula sa Hunyo.

Ito ang inihayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde kasabay ng “first monthsaryā€¯ ng kanyang pagkakaupo sa pwesto.

Ayon sa PNP chief, naging masyadong busy lang ang kanyang schedule sa unang buwan ng kanyang panunungkulan kaya sa susunod na linggo o sa Hunyo na siya makikipagpulong sa PNP Oversight Committee na pinamumunuan ng deputy chief for operations.

Aniya dun niya malalaman kung sino sa mga opisyal ang dapat tanggalin o ilipat ng pwesto.

Binigyang diin ng PNP chief na ang mga opisyal na hindi nagpi-perform sa pagsulong ng internal cleansing program ng PNP ay nanganganib na masibak sa pwesto.

Pero hindi naman aniya sisibakin agad ang mga ito, bagkus ay bibigyan lang muna niya ng warning at saka lang sisibakin kung wala pa ring maipakitang magandang accomplishment. | via Leo Sarne