Rigodon sa mga miyembro ng Gabinete, posibleng mangyari sa susunod na mga araw

Posibleng magkaroon ng rigodon sa gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte sa mga susunod na araw.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, nanganganib na matanggal sa pwesto ang ilang kalihim sa mga tanggapan ng pamahalaan dahil sa mababang performance sa kanilang trabaho.
Dagdag pa ni Roque, hindi na masaya ang Pangulo sa trabaho ng ilan sa mga Cabinet secretaries kaya posibleng masama sila sa planong balasahan sa Gabinete.
Gayunpaman, tinanggi ni Roque ang impormasyon na sa susunod na linggo na gagawin ang tanggalan sa pwesto pero sigurado aniyang mangyayari ito.
Lumutang ang balitang sibakan sa pwesto matapos maisapubliko ang kontrobersyal na pagkaka-dismiss ng DOJ sa drug case nina Kerwin Espinosa, Peter Lim, Peter Co at iba pa.  | via Nimfa Asuncion