Rice traders, pinatawag ni Pangulong Duterte sa Malacañang

Pinulong ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga rice trader sa bansa kagabi sa Malacañang.

Kasama ng mga rice trader sina Department of Agriculture (DA) Secretary Manny Piñol, Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez, Department of Finance (DOF) Secretary Sonny Dominguez at Executive Secretary Salvador Medialdea.

Sa ngayon ay wala pa namang inilalabas na detalye ang Palasyo sa kung ano ang naging bunga ng pakikipag-usap sa Presidente ng mga rice trader.

Una rito’y inihayag ni Cabinet Secretary Karlo Alexi Nograles, na napag-usapan sa cabinet meeting kagabi kung paano pagagandahin at mabigyan ng mas magandang oportunidad ang mga magsasaka at mangingisda sa bansa, pati na ang pagbibigay ng credit at loan facilities.

Bukod sa mga negosyanteng nasa pagbibigas, ay hinarap din ng punong ehekutibo ang mga barangay councilor ng ika -apat na distrito ng Quezon City. | ulat ni Alvin Baltazar