Resulta ng SWS survey, patunay na dedma ang mga Pilipino sa mga pag-iingay ng oposisyon kontra administrasyon – Palasyo

Patunay ang kamakailang lumabas na SWS survey na hindi apektado ng ingay sa pulitika at mga akusasyon ng oposisyon ang nakararaming mga Pilipino.

Ito ang inihayag ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar kasunod ng survey na nagsasabing 70% ng Filipino adults ang kuntento sa performance o pagtatrabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Andanar, ipinapakita lang din nito na hindi nagpapaapekto ang Punong Ehekutibo sa pamumultika ng iba’t ibang kampo at sa halip, tuloy-tuloy lang ang pagtatrabaho nito.

Nakakatuwa sabi ni Andanar, na ang nangibabaw na nakita ng mayorya ng mga Pilipino ay ang positibong aspeto at hindi ang mga negatibong akusasyon na gawa ng oposisyon.

Ang pinakahuling rating ng Pangulo ay higit na mas mataas ng siyam na puntos kumpara sa “good” o +45 na kanyang nakuha noong June 2018. | ulat ni Alvin Baltazar