Aprubado na sa ikalawang pagbasa ng Senado ang resolusyon na nagpapanukalang gawing bigas na lamang ang ibigay sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).
Sa ilalim ng Senate Joint Resolution No. 8, pinapanukalang imbes na pera ay bigas na lamang ang ipamahagi sa mga 4Ps beneficiaries.
Nakasaad rin dito na ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), na siyang namimigay ng naturang subsidiya, ay dapat direktang kumuha ng ipamimigay nilang bigas sa mga lokal na magsasaka.
Pinanukala ang naturang hakbang upang tulungan ang mga lokal na magsasaka sa gitna na rin ng pagbaha ng imported na bigas mula sa pagpapatupad ng Rice Tarrification Law.
Sa kasalukuyan, binibigyan ng P600 kada buwan ang mga 4Ps beneficiaries para sa rice subsidy program.
Maliban pa ito sa P300 kada buwan na cash assistance na binibigay sa kanila.