Resbakuna sa Botika, ilulunsad na rin sa Lungsod ng Bacolod, Cebu, at Iloilo

Umakyat na sa higit 126.4 million doses ang kabuuang bilang ng COVID-19 vaccines na naiturok na ng pamahalaan sa buong bansa.

Sa bilang na ito, 58.7 million dito ay fully vaccinated na laban sa virus.

Ayon kay Cabinet Secretary Karlo Nograles, nasa 60.3 million doses naman ang naiturok na ng gobyerno bilang first dose.

Habang umakyat na rin sa higit 7.3 million ang nakatanggap na ng booster shot o additional doses ng bakuna.

Samantala, ngayong linggo inaasahan ang paggulong ng Resbakuna sa Botika sa mga piling pharmacy sa Bacolod City, Cebu City, at Iloilo City.

Bahagi pa rin ito ng mga hakbang ng pamahalaan, na mapataas ang bilang ng mga nabakunahan na sa bansa laban sa COVID-19.