Republic Act no. 11644 at RA no. 11645, pirmado na ni PRRD

Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) no. 11644 o ang batas na magdedeklara sa Carcar City sa Cebu bilang heritage zone.

Nakasaad sa batas na sasailalim ang lungsod sa priority development ng Department of Tourism (DOT), katuwang ang National Commission for Culture and the Arts (NCCA), lokal na pamahalaan ng lugar, at ng provincial government ng Cebu.

Samantala, pirmado na rin ng pangulo ang RA no. 11645 o ang batas na naglalayong magkaroon ng heritage zone sa San Vicente, Ilocos Sur, upang maprotektahan ang historical at cultural integrity ng lugar.

Ang mga batas na ito ay alinsunod sa mandato ng pamahalaan na alagaan, pagyabungin, at isulong ang kasaysayan at kultura ng bansa, maging ang artistic creations nito.

Nilagdaan ng pangulo ang mga panukala nitong Enero 14, 2022, at magiging epektibo makalipas ang 15 araw matapos mailathala sa mga pahayagan.