Republic Act no. 11598, ganap nang batas

Ganap nang batas ang panukala na nag-ootorisa sa Department of Agriculture (DA) na magbigay ng direct cash assistance sa mga magsasaka na nagku-cultivate ng dalawang hektarya ng lupain o mas mababa pa.

Ang batas ay kikilalain bilang Cash Assistance for Filipino Farmers, na layong tulungan ang mga magsasaka sa gitna ng bumabagsak na presyo ng palay, at sa epekto na rin ng COVID-19 pandemic.

Sa ilalim ng Republic Act no. 11598, pinapayagan ang DA na magamit ang pera mula sa su-sobra sa Php10 billion annual tariff revenues ng rice importation, upang maipangtulong sa mga benepisyaryong magsasaka hanggang taong 2024.

Kaugnay nito, inaatasan ang Bureau of Customs (BOC) na direktang i-remit sa DA ang nabanggit na excess funds.

Inaatasan ang BOC at DA na magsumite ng magkahiwalay ng ulat sa Kongreso sa pagtatapos ng bawat taon, kaugnay sa remittance ng pondo at sa ginawang distribusyon nito.

Naisabatas ito ika-10 ng Disyembre, 2021.