Reproduction rate ng COVID-19 sa NCR, muling tumaas

Tumaas ang reproduction number o bilis ng hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region.

Base sa huling pag-aaral ng octa-research group mula sa 0.57 noong nakalipas na linggo, ay umakyat na ito sa 0.68 mula May 26 hanggang June 1.

Ito na ang unang pagkakataon na nadagdagan ang mga kaso ng COVID-19 sa Metro Manila, matapos mag-peak ang surge ng virus.

Ang 7 days average ng bagong COVID-19 sa NCR ay nasa 8% one week growth rate o katumbas na 1,135 cases .

Nananatili namang nasa moderate risk ang NCR, dahil sa average na attack rate na nasa 8.22 kada 100,000.

Sa kasalukuyan, ang health care utilization rate sa NCR ay nasa 41% habang ang ICU occupancy rate ay nasa 53%.

Tumaas din ang reproduction number o bilis ng hawaan sa buong Pilipinas sa 1.09.