Report sa kabuuang bilang ng election-related violence, inihahanda na ng PNP

Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang final report sa kabuuang bilang ng election related violence sa nakalipas na halalan.

Ayon kay PNP Spokesman Chief Superintendent John Bulalacao, hinihintay na lang ng PNP-National Election Monitoring Action Center o NEMAC, ang mga huling report na papasok hanggang mamayang hatinggabi.

Ang mga istatistika ay sumasaklaw sa buong election period na nagsimula noong Abril 14 at magtatapos ngayong hatinggabi Mayo 21.

Una ng inihayag ng PNP na naging generally peaceful ang idinaraos na Barangay at SK elections noong Mayo 14.

Sa huling report ng NEMAC, isa lang ang namatay sa mismong araw ng halalan at ang bilang ng mga insidente ng karahasan sa loob ng election period sa pagkakataong ito ay higit na mababa sa nakalipas na halalan. | via Leo Sarne