Repatriation efforts sa mga bansang may travel restriction ang Pilipinas, pinapayagan na ng IATF

Pinapayagan na ng Inter Agency Task Force (IATF), ang mga repatriation effort mula sa mga bansang may umiiral na travel restriction ang Pilipinas, laban sa Indian variant ng COVID-19.

Ang mga bansang ito ay ang India, Pakistan, Nepal, Sri Lanka, Bangladesh, Oman, at United Arab Emirates (UAE).

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinapayagan na rin ang mga non-Philippine government repatriation efforts na mga traveler mula sa mga bansang ito.

Kailangan lang magprisinta ng negative RT-PCR test result ang mga ito, na isinagawa 48 oras bago ang kanilang boarding.

“The airline or the shipping line is responsible to check on this requirement. A copy of the negative RT-PCR test result of the repatriate shall be submitted to the BOQ upon arrival in the port of entry in the Philippines.” —Secretary Roque.

Minamandato ng IATF ang lahat ng repatriates mula sa mga bansang ito, na sumailalim sa istriktong 14-day facility-based quarantine pagdating sa bansa.

“The IATF likewise required all repatriates from countries with travel restrictions in effect to be placed on a strict 14-day facility-based quarantine from the date of arrival in the Philippines, with the date of arrival being the first day.” —Secretary Roque.