Rep. Tan, suportado ang ‘brand agnostic’ policy ng DOH

Suportado ni House Committee on Health Chair Angelina “Helen” Tan, ang “brand agnostic” policy ng Department of Health (DOH).

Ayon sa mambabatas, bilang isa ring medical doctor, ay kinikilala pa rin nito ang right to informed consent ng isang indibidwal.

Ngunit mahalagang hakbang din aniya ang polisiya ng DOH at Department of the Interior and Local Government (DILG), na huwag nang ianunsiyo ang gagamiting bakuna sa vaccination site upang makaiwas sa over crowding.

Paalala lamang nito sa DOH, na tiyaking maipapaalam sa indibidwal ang brand ng bakuna oras na dumating na ito sa vaccination site, at huwag pipilitin kung sakaling tanggihan nito ang brand.

Nanawagan din ito sa ahensya at iba pang kagawaran, na paigtingin pa ang information drive upang mapataas ang vaccine confidence ng publiko, sa pamamagitan ng pagbigigay ng accurate at relevant na impormasyon.