Rep. Salceda, positibong maisasabatas na ang panukala sa pagtatag ng Center for Diseasae Control and Prevention

Kumpiyansa si Albay Representative Joey Salceda, na mabilis na lang uusad sa Kongreso ang panukala, na magtatatag ng Center for Disease Control and Prevention (CDC) sa bansa.

Ito ay matapos talakayain na rin sa Senado ang bersyon ng kanilang panukala.

Umaasa naman ang mambabatas, na pangunahing may-akda ng House Bill 6096 o Center for Disease Control and Prevention (CDC) Act, na maiaakyat naman ito sa plenaryo sa pagbabalik sesyon sa May 17.

Sa ilalim nito, itinutulak ang paglikha ng Center for Disease Control and Prevention, bilang hiwalay na ahensya na nasa ilalim ng pamamahala ng Department of Health (DOH).

Mandato nitong magpatupad ng mga polisiya, surveillance at pag-aaral, disease control, prevention at response sa mga sakit, na bigla na lamang umuusbong o emerging diseases tulad ng COVID-19.