Rep. Ruffy Biazon, nababahala sa posibleng implikasyon ng ginawang rescue mission ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait

Pinagpapaliwanag ngayon ni Rep. Ruffy Biazon ang mga opisyal ng Embahada ng Pilipinas sa Kuwait, sa ginawa nitong rescue mission sa isang overseas Filipino worker (OFW) na kinunan ng video at inupload sa social media.

Para sa mambabatas, bagamat maganda ang intensyon ng rescue team na sagipin ang distressed OFW, undiplomatic at iresponsable umano ang kanilang naging hakbang na lalo lamang naglagay sa alanganin sa relasyon ng Pilipinas at ng bansang kuwait.

Aniya, dapat ay nagkaroon ng maayos na koordinasyon ang rescue team ng Pilipinas sa Kuwaiti law enforcers bago isinagawa ang operasyon, nang hindi ito kinukwestyon ngayon dahil sa mga paglabag sa batas ng host country.

Dagdag pa ng mambabatas, dapat ay hindi na inupload pa ng naturang grupo ang naturang rescue mission, dahil nagmistula lang itong “publicity stunt.”

Kasunod nito ay hinimok ng mambabatas ang Department of Foreign Affairs (DFA), na tumugon at gumawa ng kaukulang hakbang laban sa mga sangkot na opisyal, kabilang si Philippine Ambassador to Kuwait Renato Villa. | via Merry Ann Bastasa

Photo courtes: https://bit.ly/2HTKaT4