Rep. Marcoleta: Inilabas na 2020 AAR ng COA, premature

Ipinagtanggol ni Deputy Speaker Rodante Marcoleta ang Department of Health (DOH), mula sa 2020 Annual Audit Report (AAR) ng Commission on Audit (COA).

Ayon kay Marcoleta, may liham si Health Secretary Francisco Duque III sa COA para sa 60 days na palugit, upang isumite ang kinakailangang mga dokumento na hinihingi nito.

Aniya, premature ang paglalabas ng AAR ng COA laban sa DOH gayong hindi pa pala natatapos ang compliance report ng ahensya.

Nagbunsod aniya ito ng panghuhusga sa DOH.

Paglilinaw ni Marcoleta, hindi niya kinokonsinte ang DOH. Kung mapatutunayan aniya na may pagkakamali ay pananagutin naman ang ahensya.

Ngunit mainam na bigyan ng pagkakataon ang DOH na i-dispute ang tinukoy na deficiency ng COA.

Mungkahi ni Marcoleta, hayaan na isumite muna ng DOH hanggang sa itinakdang September 27 na deadline ang mga pruweba, bago ipagpatuloy ang mga pagdinig.