Renewal ng NBI Clearance, non appearance na

Hindi na mahihirapan pa ang mga Pilipino na pumila para lamang makakuha ng renewal ng kanilang NBI Clearance. 

Ito ay dahil gagawin ng non-appearance ang pagkuha ng lahat ng renewal ng NBI Clearance sa buong bansa. 

Bukas ay ilulunsad ng National Bureau of Investigation ang NBI Clearance Quick Renewal sa pamamagitan ng online registration. 

Maaari nang ma-access ng bawat Pilipino ang www.clearance.nbi.gov.ph para sa kanilang aplikasyon at magbabayad sa mga Bayad Centers o kaya ay sa GCash. 

Ngunit ang mga taong may record na HIT ay kinakailangang magtungo sa mga satellite office ng NBI para klaruhin ang kanilang record. 

Nilinaw ng NBI na hindi sakop ng non-appearance ang mga bagong kukuha ng clearance dahil kailangan nilang sumailalim sa capturing, finger printing, at magbibigay ng mga basic information ng kanilang pagkatao.