Remote hearings, pinayagan na ni Chief Justice Gesmundo

Maaari pa ring makapaggsagawa ang mga huwes ng remote hearings, ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.

Ito ay ayon sa circular ni Chief Justice Alexander Gesmundo, na nag-aatas na ang mga huwes sa first at second level courts na magsagawa ng full remote videoconferencing hearing, hanggang hindi pa tapos ang pandemya. 

Binubuo ng Metropolitan Trial Courts, Municipal Trial Courts, Municipal Trial Courts sa mga lungsod, at Municipal Circuit Trial Courts ang first level courts, habang ang second level courts naman ay binubuo ng Regional Trial Courts.

Ayon naman kay Court Administrator Midas Marquez, ang naturang kautusan ni Chief Justice ay bunsod ng hiling ng mga judges at court personnel, na magsagawa ng remote hearing dahil sa nangangamba sila sa kanilang kalusugan.