Rehabilitasyon ng MRT-3 sa Semana Santa, di na rin itutuloy

Hindi na rin muna itutuloy ang nakatakdang malawakang rehabilitasyon ng MRT-3 sa darating na Holy Week.

Ang abiso ay inihayag ng MRT-3 management kasunod ng pag deklara ng Luzon-wide ‘Enhanced Community Quarantine’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Simula din ngayong araw, tigil na ang operasyon at biyahe ng MRT-3 mula North Avenue hanggang Baclaran at pabalik, hanggang sa tanggalin o iangat ang deklarasyon sa April 13 ngayong taon.

Layon nito na maprotektahan ang mga commuters laban sa pagkalat ng COVID-19.

Pinapayuhan ang lahat na manatili sa kani-kanilang bahay at iwasan ang paglabas sapagkat magiging mahigpit na ang seguridad sa iba’t ibang lugar.